Good Old Days, Ang Batang 90’s

December 31st, 2008  Tagged ,
I am a Certified Batang 90s!
Got this from stacy
So fun to reminisce childhood memories!
———-
• Masaya ka kapag naglalaro ka ng Tex at Pog. Kadalasan ang design dito ay yung mga palabas sa TV, mga drama o kaya anime, may dialogue pa. lol.
~ anime! yung.. BTX ba yun? tsaka Zenki! wahahaha! :)) teka.. si Blink pa ata! =D at saka ung MAGIC KNIGHT RAY EARTH ata un whahaha!
• May comics pa ang bazooka. Kahit di mo maintindihan yung Fortune Cookie sa huli ay collection mo pa rin yun.
~ hindi ko kinolekta ung komiks. kasi un ung ginagamit ko sa spit out na gum.. :))
• Ang mga babae naglalaro ng paper dolls na tigpipiso bawat isang set sa sari-sari store.
~ oo. at pag naputol ang ulo ng isa, bili pa ng bago.  hehe. piso lang naman eh. XD
• Nagwa-watusi ka kapag New Year kahit pinapagalitan ka ng nanay mo.
~ oh yeah! pero di ako pinapagalitan kasi kasama ko silang nag wawatusi!
• Meron kang sapatos na umiilaw yung swelas kapag iniaapak mo. Mas sikat kung iba-iba yung kulay.
~ meron ngaaa!!! dalawa pa!!! :)) ung isa, may hearts tapos Barbie. yung isa yung technicolor na ultra man! hahaha! kasi un ung gift ng ninang ko eh :))
• Pinapatulog ka ng yaya/nanay mo tuwing tanghali o hapon para raw lumaki. Hindi na kasi pinapatulog ang mga bata ngayon tuwing tanghali di tulad nung panahon natin.
~ well, you know what i did based sa height ko. haha. tsaka naglalagay ako ng kunwaring muta gamit ang papel sa mata. bibilugin ung papel tapos akting na naguunat unat. ewan ko ba kung bakit ang hirap matulog nun.
• Kung babae ka, nagkaroon ka ng butterfly hairclips/rings. ( si Jolina ang nagpauso nito.) haha.
~ aru! ang aking nanay kasi eh.. hindi ko man gustohin, klangan eh, sayang mga binili nya =))
• Naglalagay ka ng Kisses (yung mabango) sa pencil case mo, o kaya sa isang lalagyan na may bulak, alcohol at tinutusok ng karayom para mabilis manganak.
~ nag wonder pa talaga ako pano nanganganak yung mga Kisses na un.. nanganganak nga ba talaga un? at eto pa,nashoot ko pa sa tenga ng kuya paul ko ung isang piraso kasi nag aagawan kami :))
• Ang mga stationeries na uso: Papemelroti, Tsukuba, Sashikibuta. Pwedeng ibenta, pwedeng trade lang.
~ trading! si lorraine ang lagi kong katrade! magaganda stationeries ko nun, hindi mumurahin! pinagkakagastusan ko talaga yun! may metal case pa ko para di malukot! WAHAHAHA! =))
• Pampalipas oras mo dati ang paglalaro ng Brick Game, at swerte yung mga may advanced version na may tumatagos na blocks para mapuno na yung gap sa loob. Mas advanced ka kung Tamagotchi ang nilalaro mo. Pinapakain mo, pinapatulog mo, at inililibing mo kung namatay na. At kung talagang kaya nyong bumili, Game Boy ang sayo. Pero kung wala ka talaga, yung laruan na lang na may tubig sa loob tapos dapat ma-shoot mo yung mga bilog sa stick na maliit.
~ meron ako lahat neto. actually kaming magkakapatid :)) xmpre sikat kasi may Game Boy ako dati, tas yung Brick Game ko di ko pinapansin. yung Tamagotchi sa black market (meaning: unauthorized, sa classmates binili) ko nakuha kaya tinatago tago ko pa sa nanay ko nuon. eh isang beses, nasa bulsa ko, nagutom tas tumunog! tinanong ng nanay ko ano raw yun.. sabi ko wala, baka yung aso sa labas! akalain mong naniwala nanay ko! :))
• Bago magsimula ang klase, nakikilaro ka muna sa 10-20, jackstone, langit lupa, ice water, taguan, dr. quack quack, tumbang preso, pepsi seven up at agawan base. Di bale nang madumi na ang uniform mo pagpasok ng classroom.
~ kahit ata sa loob ng classroom naglalaro kami eh :)) naalala ko nasubsob ako dahil sa agawan base. yucky yung tuhod ko kasi puro gasgas! :)) lampayatot talaga ako nung bata pa kaya laging injured :))
~ tas dito rin sa village pag nakakatas ako, nakikipaglaro ako sa mga kapitbahay. and may tournament pa. kalaban namin ung mga kabilang bloc. lalo na ung mga taga manukan.
• Sinasabi mo sa kaklase mo na “Liars go to hell” kapag tingin mo nagsisinungaling sya. “Cross my heart, hope to die” kapag nangangako ka. “Period no erase” kapag gusto mo walang kumontra sayo. Kaya lang wala kang lusot kapag sinabi ng kaklase mo na “Akin yung factory ng pambura”.
~ hanggang ngayon hindi pa nawawala yan! hahaha! naririnig ko parin sa kapatid ko yan eh. tsaka ginagamit ko parin yan pag nakikipag lokohan ako sa mga tao :))
PARANG BATA LANG! =))
• Di ka baduy kung ang notebook mo nung elementary ay may mukha ng artista.
~ ay baduy un para sa akin. barbie ang design ng notebooks ko. at ung mga cartoons. tinatawanan kasi sa school ung may artista. haha :))
• Nagpabili ka ng Baby-G sa magulang mo.
~ xmpre! :)) at pink at blue at violet. ngaun ODM na ung uso eh :))

• Wala pang PS/PS2, XBox, Wii, atbp. noon. Family Computer pa lang, yung cartridge yung bala. Usong laro ang Mario Bros., Battle City at Rambo.
~ oo battle city at mario ang fave namin ng mga kapatid ko. tapos ngkaroon pa kami ng good boy. aun super adik kami. napabili pa tuloy ng isa pang tv c dadi para may panooran sila ng balita at marimar ung momi ko at maid namin. =))
• Meron ka ng isa sa mga ito: Family Computer, Nintendo, Sega, roller blades, brick game, Tamagochi, Swatch Watch w/ matching guard, Troll collection.
~ FC, Nintendo, rollerblades (pero hindi ako natuto), brickgame, Tamagochi! name it, i have it! :))
• Alam mo ang mga linyang ito sa mga kanta: “Natatawa ako, hi hi hi hi”, “Anong paki mo sa long hair ko”, “Dahil sa bawal na gamot”, “Mga kababayan ko, bilib ako sa kulay ko”.
~ YEAH! :)) tas yung “Mga kababayan ko”, kinakanta lagi skn ng mga pinsan ko kasi may part yung ng pango db? ayun, HAHAHA XD
• Isa dito ay theme song mo: “I Swear” by All 4 One, “What’s Up” by 4 Non Blondes (And I say, Hey ey ey ey ey ey. I said hey, What’s goin on!), “Zombie” by Cranberries.
~ err.. theme song para sa? ah basta. alam ko yang mga yan! :))
• Sumasayaw ka ng Macarena.
~ oo! pati yung Asereje! hahaha! ay, kelan lang ba yun? :))
• Malamang ay naging fanatic ka ng isa sa mga sumikat na boy bands.
~ Backstreet Boys at N’Sync! Moffats! A1! may CASSETTE TAPE ako nyan! =))
• Ang tinutugtog lagi sa radyo ay mga kanta ng mga banda gaya ng Eraserheads, Parokya ni Edgar nung nagpapalda pa lang sila, Alamid, Rivermaya, True Faith, The Youth, Afterimage at kung anu-ano pang pinoy bands.
~ i’m not much of a radio kid eh. mas adik ako sa tv nun! :))
• Tape pa ang uso, di CD or MP3 players. Pag gusto mo yung kanta kailangan tantyahin mo kung ilang seconds i-rewind yun para mabilis paulit-ulitin.
~ yeah, that sucks! may nasira pa nga ako na tape nun kasi tinry kong i-manual rewind, tas nahila ko na lahat nung black na tape, tas nainis ako kasi di ko na maibalik, ayun, tinapon ko nlang =))
• Kinakanta nyo dati sa school yung “Heal the World”, “Tell the World of His Love”, “Jubilee Song”, etc.
~ sa Religion class yan patok dati eh! hahaha! with matching actions pa! oha oha! :)) parang nakakabawas ng kasalanan nun pag kabisado at lagi mong kinakanta yan! :))
• Nanonood ka dati ng Power Rangers, Captain Planet o Ninja Turtles. Nagkukunyari pa kayo ng mga kaibigan mo na kayo yun at nagkakasipaan kayo.
~ Pink Ranger! hahaha! teka, bakit walang mga Japanese superhero? yung tipong Maskman, or si.. sino nga ba yun? yung naka-red na costume, tas nagiging higante pag may kalaban xa kasi nagiging miniature yung town, tas halata mong gawa lang sa karton or styrofoam yung mga bahay at building na binabagsakan nya. sino nga ba yooon? AAAHHH! si ULTRAMAN TIGA! :))
Di ka pagagalitan ng magulang kahit magbabad ka sa TV, basta ang pinapanood mo ay Hiraya Manawari, Bayani at Sine Skwela, kung saan nakilala mo sila Teacher Waki, Ugat Puno, Palikpik, at ang buong barkada nila lalo na kapag nakasakay sila sa space ship o sa jeep na lumilipad.
~ ay oo! pati sila nakikinuod pa!!! hahaha! sa Sineskwela yung Jeep na lumiliit at kung saan saan nagsususuot db? hahaha! yung Bayani, marami akong natutunan para sa History class ko nuon! :))
• Sinubaybayan mo ang Ghost Fighter at ang Dragon Ball. Naging favorite mo si Eugene at si Goku.
~ favorite ko si dennis at si vincent. at hate ko talaga si lafred. ayoko kasi ng hair nya. basta naiinis ako. hahaha. ung dragonball naman, nung sa una lang ung gusto ko. pro ung nagkaroon na ng mga GT tapos ek ek, yaw ko na. =))
• Sinubaybayan mo ang Sarah ang Munting Prinsesa, Julio at Julia, at Cedi. Pinanood mo pa nga yung movie version ng Sarah ang Munting Prinsesa with Camille Prats. • Alam mo din yung “Ang Pulubi at ang Prinsesa” with Camille Prats and Angelica Panganiban.
~ ahhh. oo ata. hahaha! pero hindi sa sine ko napanood, sa channel 2 lang. o sa cable. pero bata pa din ako nun. =))
• Gusto mong sumali sa ANG TV. Pero alam mong hindi na pwede. kaya kuntento ka na lang sa panonood nito tuwing 4:30 ng hapon.
~ “4:30 na! ANG TV NA!” hahaha! kung may LSS, eto naman ay LLS! hahaha! pag uwian ko dati ng 3PM, yan na ang sinisigaw ng classmates ko :))
• Batibot ang usong palabas. Akala mo nga mag-dyowa o mag-asawa sina Kuya Bodjie at Ate Sheena.
~ panong magasawa? no idea. pero pinapanood ko ang Batibot. hindi ko lang maalala anong concept nila :)) at sino mga characters.
• Alam mo yung tono ng pinausong kanta ng show na “ATBP.”: Isa.. dalawa-tatlo.. apat-lima.. anim-pito-walo.. syam-sampu… labingisa-labingdalawa… labingtatlo… labingapat-labinglima…
~ sheeet! kinanta ko ngayon lang! at alam ko ang tono nya! WAHAHAHA! XD
• Napanood mo ang Batang X.
~ may pinagiba ba si Batang X kay BTX? joke! hindi ko lam yang batang x. samurai x nlng. XD
• Sabay kayo nanonood ng yaya mo ng Marimar.
~ ng buong GOODWILL ata! HAHAHA! eto, bawal kang humawak ng remote, kundi papatulugin ka na! :))
• Nanonood ka ng kahit alin dito: “Okay Ka Fairy Ko”, “Oki Doki Doc”, “Abangan ang Susunod na Kabanata”, “Palibhasa Lalake”, “Ober da Bakod”, at “Home Along Da Riles”
~ pati yung mga movie versions napanood ko rin! :))
• Galit ka kay Clara kasi sobra naman talaga sya mang-api kay Mara.
~ oo. kahit ayaw ko kay juday. jusko mara clara craze dati mga ate ko dito sa bahay..
• Pinanood mo din yung “Villa Quintana”, “Esperanza”, “Anakarenina” atbp.
~ at hindi ko alam ang Villa Quintana. but yeah, Esperanza went on for about a year ata? hahaha! :)) grabehan lang pag nagmumudmud sila ng tao sa putikan :))
• Mga love teams na nagpakilig sayo: Juday and Wowie. Jolina and Marvin.
~ err no. hahaha. i’m a fan of neither loveteams. hahaha! DENIAL! :)) but really, i’m not. :))
• Alam mo yung commercial ng Tender Juicy hotdog na ganito: “Dear diary, Carlo sat beside me today. He’s so cute! Sabi niya I’m pretty kaya lang I’m fat.”
~ YIIIEEE! eto kinikilig kilig ako nuon! WAHAHAHA! ang cute cute kasi nung patalastas!!! iniisip ko ako yuuun! WAHAHAHA! :))
• Kinakanta mo yung “Thank God it’s Sabado, pati na rin Linggo…” at “Isa pa, isa pa, isa pang Chicken Joy”.
~ yung sa Chicken Joy lang! lalo pag nasa Jollibee kami! HAHAHA! pero nakakarindi pala talaga yun pakinggan :)) san yung nauna? hahaha. di ko talaga alam XD
• Nasa channel 2 pa ang Eat Bulaga at ang Mel and Jay.
~ i saw both pa! napanood ko pa talaga ung paglipat.. hahaha! teka, Batang 90s ba talaga ako? HAHAHA! XD
• Nakikita mo sa balita na may mga kultong nagtatago na sa kweba, kasi magugunaw na ang mundo sa year 2000, at yung mga computer daw bigla na lang mag-shu-shut down at mawawala na daw ang technology.
~ okay, classified as weird news ata ito. HAHAHAHA! XD pero meron yung news about sa mga kulto na kakatok sa bahay nyo at kung kaninong tsinelas yung papatakan nila ng dugo, yun yung magbubukas ng pinto at kakainin nila. HARDCORE PANAKOT SA AKIN ITO KAYA LAGI KONG SUOT TSINELAS KO HANGGANG MATULOG. HAHAHAHAHA! :))))))))))))))
• Chinese variety shows ang palabas tuwing umaga ng linggo.
~ OO! at asar na asar ako dahil ayoko ung palabas. wala akong maintindihan. ni sub title wala! hahaha.
• Matapang ka kung napanood mo lahat ng Shake, Rattle and Roll movies.
~ lahat ng tao sa bahay kasama kong nanuod. tas hangga’t di ako tulog, bukas lahat ng ilaw!
• Kung babae ka, naging crush mo si Leonardo di Caprio dahil sa Titanic. Kaya nga lang, bawal ka pa tumingin sa kissing scenes nina Jack at Rose. Haha.
~ SA SINE PA NAMIN TO NAPANOOD NG MOMMY KO! oo kinokoberan pa ung mata ko nun eh kahit nkikita ko naman  :))

Bookmark and Share



One Response to “Good Old Days, Ang Batang 90’s”

  1.   Topics about Bollywood-stars » Good Old Days, Ang Batang 90’s on April 22, 2009 5:54 pm

    [...] ellimac placed an interesting blog post on Good Old Days, Ang Batang 90ââ [...]

Trackback URI | Comments RSS

Leave a Reply

You must be logged in to post a comment.